![]() | ![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
---|---|---|---|---|
![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
LATEST SERMON
𝐇𝐎𝐖 𝐓𝐎 𝐎𝐕𝐄𝐑𝐂𝐎𝐌𝐄 𝐄𝐍𝐕𝐘
Worship Service | May 26, 2024
Preacher: Ptra. Mary Grace Mendez
LATEST FB POSTS
ITESTIFY ko lang ang ginawa ni Lord!
MGA LESSONS:
1. Kapag may problema, wag sumuko agad kundi magpray at wag tumigil magpray hanggang di naaayos.
2. Kapag tither at giver ka kay Lord di ka talaga pwede nakawan ng kaaway ng blessings na para sayo.
3. Totoo pala talaga ang joy sa mga nawalan tapos naibalik gaya ng sa Lost Coin, Son at Sheep.
This is my SHOPEE STORY haha.
Bago ako magbirthday, pinagpray ko na makabili ako ng bagong tablet (kahit parang imposible dahil di nga ako makaipon kahit 2k haha) kailangan ko na kasi dahil dumadami yung ebooks ko, di na ko makaplay ng isang video sa luma ko dami na files masyado. Gusto ko rin kasi na may ready na kong panturo na dala at visual anytime na kelangan mag-share. At dahil ang galing ni Lord, nagprovide Siya ng pambili ko.
Kaya lang, after 4 days na nasa akin na yung bagong tablet, di ko nabasa na nakalagay pala sa product description na wag daw iuupdate kasi baka magka-system crash. Ayun nga, after mag-update di na siya ma-open. Ang problema, napindot ko na yung "Order Received" tapos nag-end na rin yung Shopee Guarantee, ibig sabihin parang tapos na yung Shopee samin ng seller. Kaya naman parang di ko alam kung magsisisi ba ko na yun napili kong bilin, pero ang ganda kasi talaga nung tablet kaya sulit talaga. Parang ang naiisip ko, sinayang ko lang yung pera kapag di na napagana. Parang gusto nakawin ng kaaway yung joy ng blessing ni Lord.
Naghanap ako ng service center sa Festival pero lahat sila di alam ang gagawin. Kahit kay Kuya Mon na techy, di niya rin nagawa. Nagchat din ako sa FB na mga service centers, di rin nila sure kung magagawa nila. Sabi nung seller padala ko daw sa China pero dahil di under ng Shopee ang transaction, di ko sure kung ibabalik niya pa yun kaya di ko din option yun. Ang laking abala kung tutuusin.
Sakto na prayer marathon nung araw na yun na bothered ako kung ano gagawin ko, pray na lang ako ng pray in tongues. Habang nagpepray ako, parang sinasabi ni Lord sa akin na sa Shopee Help Center ako magsabi at baka mabalik ko. Kaya nung gabi, nagchat ako sa App tapos nagulat ako kasi may return-refund pala sila kahit napindot na yung Order Received at kahit wala na Shopee Guarantee. Pina-submit nila ako ng evidences na talagang di na nagfafunction ang device. Naging mabait din ako sa seller, di ko siya inaway para pumayag siya na magreturn-refund kasi kasalanan ko naman na ako yung nag-update, kung tutuusin pwede niya sabihin na fault ng buyer para di ako mapayagan ireturn. Pero syempre dahil nag-iintercede ako at bina-itan ko, pumayag yung seller. Nakakita kasi ako sa 3 places sa internet na same case ng sa akin, pero di sila narefund. Kaya fighting lang sa faith na yung sa akin marerefund.
Kinabukasan, naapproved ang return-refund ko at pinapareturn sa akin sa M.Lhullier yung device. Nagpray ulit ako in tongues ng mga 3 hours para mawala yung sakit ng ulo ko sa bagay na ito. After 2 days pa bago ko nadrop-off yung irereturn tapos ayun nag-email na ang Shopee na in 5-7 days daw ay mapaprocess ang refund ko. Nung nagbasa-basa ako ng mga proseso ng mga return-refund, yung iba pala talaga inaabot pa ng 11 days, lalo na kung overseas ang order. Pinagpray ko na hindi na abutin pa ng matagal kasi nakakawala din ng peace of mind kung mababalik ba talaga haha.
At praise God! 4 days pa lang, narefund na yung pera, wala akong ginastos sa shipping ng return at wala din nawala kahit piso sa akin dahil kino-confess ko na, "I am a tither! Giver ako! Kaya walang mananakaw ang kaaway sa akin, at hindi niya maaagaw ang joy ko!" Naaalala ko nga rin yung napreach ko na, "Hindi dapat tayo luhaan at talunan sa buhay kasi pwede natin ipagpray ang lahat, tayo ay pwede maging victorious sa buhay!"
Iyak-iyak sana ako at sobrang nagsisisi, pero naturn yun into joy. Parang narealize ko tuloy yung "I once was lost but now I'm found", yung mga parables na Lost Coin, Lost Son at Lost Sheep, ang saya pala talaga kapag yung nawala ay naibalik hehe. Kaya yun napalitan pa tuloy yung tablet ko ng mas magandang specs at version ngayon, mas better pa ang nakuha ko without loses! Praise God talaga!
Narealize ko lang na kahit pala sa mga pagbibili-bili natin ay may care ang Dios sa atin. Lalo na kapag gusto natin ito gamitin for His glory! Ayun na-share ko lang.. To God be the glory!
Testimony by: Ptra. Mary Grace Mendez
Thank you LORD
Dati pinag pepray ko lang na mag karoon ako ng sariling laptop. Plano ko sana non mag pa home credit or mag iipon ako ng 10k pambile ng second hand na laptop. Kaya gusto ko mag ka laptop kasi yung laptop na ginagamit ko nasira, hindi sya nag oopen pag di naka charge and ang bigat at ang bilis uminit and then may isang scenario na nag tururo ako sa Sunday School, namatay bigla yung laptop. Edi sayang yung power point na ni ready ko and yung video na ipapasayaw ko sana sa kids. and then napasabi ako non kay LORD, penge naman ako ng bagong laptop. Prayer ko sa isip ko. To make a short story, nag sabi ako sa dati kong boss ko na, bumile ng laptop and then sabi ko Monthly mag babayad ako sa kanya ng 2k. Nabile ko yung laptop worth Php 28,500.
To make short story nanaman 5k palang na huhulog ko sa boss ko. Para sakin prang di nya ibibigay yng laptop kasi bukod sa wala pa sa kalahati yng nababayad ko, and walang gagamiting laptop yung papalit sakin. Sabi ko sarili ko non, okay lang na di nya ibigay yung laptop, basta bigay nya yung hinulog ko.
To make short story, Walang impossible kay LORD. ti-touch ni LORD yung heart ng boss ko. BINIGAY NA NYA YUNG LAPTOP. Na realize ko nga lang din, pag humingi ka kay LORD, para sa ikaka glorify ng name nya, impossible di nya ibigay yon. Minsan kasi may mga prayers tayo na pansarili lang or wrong motive kaya minsan di nasasagot ni LORD yng prayer natin. Na share ko lang
Testimony by: Sis. Angelika Garcia
Send us your testimony by clicking "Let's Chat" button on the bottom right of your screen. Shalom!
SCHEDULE OF SERVICES
Join Us!
SUNDAY SERVICE
Sundays Starting at 10 am
PRAYER MEETING
Wednesdays Starting at 6 pm
PRAYER MARATHON
Every Fridays - Whole day

ABOUT
A church with God's ambition
Send the Light Ministries, Inc. - Putatan, formerly known as STLMI Magdaong, is open to worshippers of all ages and backgrounds. We lead our congregation in worship, deepening the relationship to God, leading people to Jesus, and helping them to have an intimacy with the Holy Spirit.
We have a long, proud history of serving the LORD in Muntinlupa City. Through the leading of the Holy Spirit, the dedication of our leadership, members and ministers, we are committed to the teachings of Jesus Christ, and are here to spread the Gospel of Christ. Contact us today to find out more about becoming part of the Send the Light Ministries, Inc. - Putatan Church.